NAGA CITY- Umabot ng P6.8-M ang halaga ng panibagong cocaine na nadiskubre sa Burdeos, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Elizabeth Capistrano, tagapagsalita ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinabi nitong halos isang kilo ang timbang ng naturang substance.

Ayon kay Capistrano, nananatii pa sa ngayon sa kustodiya ng Provincial Crime Laboratory ang naturang cocaine habang hinihintay ang sunod na magiging hakbang para rito.

Una rito, isang indibidwal ang nakapulot ng naturang package sa baybayin ng Barangay Cabungalunan na agad namang itinurn over sa mga otoridad.

Samantala, inaasahan namang makakatanggap ng reward ang naturang indibidwal base sa ipinangako ng Regional Director ng PNP-Calabarzon.

-- Advertisement --