Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang umano’y biktima ng Human Trafficking na lilipad sana patungong United Arab Emirates sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Batay sa impormasyon nagtangka itong lumabas ng bansa at sasakay sana ng isang eroplano patungong Dubai.
Matapos ang isinagawang secondary inspection ng mga tauhan ng Bureau of Immigration, umamin ang biktima na siya inimbitahan ng kanyang pinsan na siya rin umanong nag proseso ng kanyang mga dokumento.
Ibinigay rin aniya ng biktima ang kanyang pasaporte sa isang babae na nakasakay sa isang taxi sa labas ng airport.
Ayon sa biktima, bumalik ang babae dala-dala ang kanyang passport na mayroon ng stamp.
Matapos ang isinagawang pagsusuri sa pasaporte ng biktima, lumalabas peke ang border stamp nito.
Binalaan naman ni Bureau of Immigration Commissioner Tansingco ang mga indibidwal na magtatangkang gumamit ng pasaporte na mayroon pekeng stamp.
Ayon kay Tansingco, malawak ang kaalaman ng kanilang mga tauhan upang matukoy at mapigilan ang Fraudulent activity.
Aniya ,ipagpapatuloy ng kanilang ahensya na protektahan ang Publiko laban sa human trafficking.