-- Advertisements --
Marcos 1

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang oposisyon na babangon kaugnay ng panukalang batas na para sa benepisyo ng mga Barangay Health Workers.

Ito ay ang Magna Carta for Barangay Health Workers na magbibigay ng benepisyo sa mga BHW gaya ng hazard allowance, transportation allowance, subsistence allowance, one-time retirement cash incentive, health benefits, insurance coverage gayundin ng vacation, maternity leaves and at cash gift.

Ayon sa Pangulo, titiyakin niyang priority measure ang panukalang batas na nitong nakaraang Disyembre ay unanimously approved sa Kamara para sa ikatlong pagbasa.

Inihayag ng Chief Executive na umaasa siyang wala ng magaganap na pagkontra pa sa panukalang batas lalot napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga Barangay Health Workers at napatunayan naman ito nitong kasagsagan ng COVID 19 na dito ay nagbabahay-bahay ang mga BHW sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Ang pagkakapasa ng Magna carta bill sabi ng Pangulo ay pagkakataon na rin para makabawi sa mga Barangay Health Workers.