-- Advertisements --
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibababa nila hanggang sa mga karaniwang tao ang biyaya ng technology innovations na nasimulan na ng ilang sektor.
Sa kaniyang pagsasalita sa technology innovation festival sa Laguna, binigyang diin ng presidente na dapat ding mapakinabangan ng mga karaniwang tao ang mga hatid na kaginhawahan ng ating teknolohiya.
Ngayon kasi ay nakikita na ang bunga ng online setup ng malalaking kompaniya na kumikita kahit walang personal interactions sa kanilang mga kliyente.
Pangunahin na rito ang mga bangko at digital payment firms na nakapagtala ng pag-angat ng kita sa mga nakalipas na taon, lalo na nitong panahon ng pandemya.