-- Advertisements --

Puno at siksik ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang working visit sa United Arab Emirates (UAE). 

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, sinimulan ng pangulo ang araw (January 13) sa pagkakaroon ng working breakfast kasama ang miyembro ng gabinete. 

Makikipagkitang muli si Pangulong Marcos kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi National Exhibition Center. 

Dadalo rin ang pangulo sa pagbubukas ng Abu Dhabi Sustainability Week, kung saan inaasahang magbibigay ng key note speech ang pangulo. At Sayed Sustainability Prize award na gaganapin sa ICC Hall. 

Magkakaroon rin aniya ng business meeting ang pangulo, kung saan isusulong nito ang business at technology interest ng bansa. 

Habang personal na ka-kamustahin ng pangulo ang mga Pilipino sa Abu Dhabi. 

Isa sa inaabangan sa pagbisitang ito ang malalagdaang kasundan para sa defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at UAE, at ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), na magsisilbing kauna – unahang free trade agreement (FTA) ng Pilipinas sa isang bansa sa Gitnang Silangan.