-- Advertisements --
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa aerial inspection sa malawak na naging pinsala sa mga lugar na tinamaan ng nagdaang bagyong Paeng.
Nabatid na ilang bahagi ng naturang probinysa, kagaya ng Noveleta ang naiulat na matinding tinamaan ng bagyo kung saan, maraming mga residente at ari-arian ang nalubog sa putik at baha.
Bukod sa aerial inspection, kasama rin sa naging aktibidad ngayong araw ng pangulo ang pagdalo sa situation briefing sa nabanggit na lalawigan.
Sa situation briefing ay iniulat sa pangulo ang inisyal na cost of damage sa mga pananim at imprastraktura, pati na ang naipagkaloob na tulong ng mga lokal na pamahalaan.