Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council sa Malacanang.
Batay sa ulat ng Office of the President, tinalakay dito ang mga plano upang mas magkaroon na mas maraming trabaho sa ating bansa.
Nagrekomenda naman ang council sa Pangulo na patatagin at bigya pa ng ayuda ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs), upang makapag hikayat ng mas maraming investors at makabuo ng mga kasanayan para mas magkaroon ng workforce longer-term competitiveness.
Batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority (NEDA), malaking bahagi ng mga pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Filipino ay ang maliliit na negosyo.
Ang ilang may regular na trabaho ay pumapasok na rin sa MSMEs, para mapalaki ang kanilang maiuuwing income sa kanilang pamilya.