-- Advertisements --
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa private advisory council ng Malacanang para sa ilang mahahalang paksa.
Naging sentro ng talakayan ang isyu ukol sa agrikultura at mga kaugnay na usapin.
Sinabi ni Marcos na excited siyang makabuo ng mga programang makakatulong sa mga magsasaka katuwang ang pribadong sektor.
Marami aniya siyang narinig na mga bagong ideya mula sa Private Advisory Council na magpapataas sa antas ng sektor ng agrikultura.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulong Marcos sa kaniyang mga nakapulong na aniyay nagpaunlak na maibahagi ang kanilang mga ideya sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na mapa-angat ang agriculture sector.
Sa kasalukuyan, si Marcos din ang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture (DA).