Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malakas o kabataan, at english-speaking na work force ng Pilipinas sa World Economic Forum na ginaganap sa Davos, Switzerland.
Kaugnay nito, umaasa ang pangulo na magpapatuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa, lalo’t malaki aniyang papel ang ginagampanan ng work force na ito sa pagtutulak ng mas mabilis na pag-unlad ng bansa.
Sa naging one-on-one dialogue ng pangulo kasama si World Economic Forum (WEF) President Børge Brende, sinabi ng pangulo na ang mga karaniwang hamon naman talaga para sa pag-unlad ng Pilipinas ay ang usapin sa imprastruktura, kalidad ng edukasyon, research at development, red tape, at iba pa.
Gayunpaman, ang Pilipinas, kakayanin aniyang malampasan ang mga ito.
Bukod dito, maalam rin aniya sa teknolohiya ang mga Pilipino, at kayang makipagsabayan sa ibang bansa.
Ang pamahalaan naman aniya, patuloy na dini-develop ang imprastruktura nito at pinagbibilis ang proseso ng pagbibigay serbisyong-publiko, para sa patuloy na development ng Pilipinas.