Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtugon ng gobyerno sa nagpapatuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa kaniyang pagbisita sa Albay, inatasan ng pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na tiyaking mayroong produktibong aktibidad ang mga apektadong residente lalo na ang mga bata na namamalagi sa mga evacuation center.
Kabilang aniya sa dapat ipagkaloob sa mga evacuees ay ang mapagkakakitaan.
“I don’t know what livelihood or something para mayroon naman silang ginagawa, mayroon naman silang pinagkakakitaan, at lalo na ‘yung mga bata,” ayon sa pangulo.
Nag-aalala ang pangulo sa epekto sa emotional at mental health ng mga bata bunsod ng pamamalagi nila sa evacuation centers.
Tiniyak naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangulo na isasama sa kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ang mga evacuees.
Ang TUPAD ng DOLE ay nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers sa loob ng 10 hanggang 30 araw.
Ayon sa DOLE, isa sa bawat pamilyang namamalagi sa temporary shelters ang isasailalim sa TUPAD program kung saan maaari silang kumita ng P10,950 para sa 30-day cash-for-work program.
Kabilang sa kanilang gagawin ay ang community gardening sa mga evacuation center, temporary shelter maintenance ar housekeeping.
Tiniyak naman ng DepEd Region 5 said DepEd na naglalatag na ito ng sistema para magpatuloy ang pag-aaral ng mga batang nasa evacuation centers.
Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) mayroong 4,400 na pamilya o 15,676 na katao ang inilikas mula sa pitong munisipalidad at lungsod sa Albay.