-- Advertisements --

Muling nakakuha ng bilyon-bilyong halaga ng investment pledges mula sa Japanese companies na sangkot sa pagnenegosyo ng semi-conductors, electronics at wiring harness.

Ayon sa economic team ng Pangulong Bongbong Marcos na tinatayang nasa mahigit 10,000 jobs trabaho ang inaasahang magbubukas para sa mga Pilipino sa nasabing investment.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang roundtable meeting kasama ang Japan’s semiconductor and electronics industries na nais palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Bukas inaasahan ianunsiyo ng Pangulo ang halaga ng kabuuang investment na kaniyang nakuha dahil bukas pipirma na ng letters of intent ang Japanese companies.

Ayon sa Pangulong Marcos, nais niya na maging “hubs of excellence for sectors” ang Pilipinas.

Kabilang sa mga Japanese companies na nakapulong ng Philippine delegation ay ang mga top executives ng Japan Aviation Electronics Industry, Ltd.; Yazaki Corporation; Yokowo Manufacturing of the Philippines; Sumitomo Electric Industries, Ltd.; Brother Industries, Ltd.; IBIDEN Co., Ltd.; Seiko Epson Corporation; NIDEC-SHIMPO Corporation; and TDK Corporation.

Nuong 2021 ang Pilipinas ang ika apat largest exporter ng wiring harness sa buong mundo sunod ang Mexico, China, at Romania.

Ang Pilipinas ay isa din sa lowest cost producers ng wiring harness sa buong mundo batay sa exported value at quantity.