-- Advertisements --
image 296

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksiyon ng fish ports sa 11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga mangingisdang Pilipino.

Ginawa ng punong ehekutibo ang naturang direktiba kasabay ng sectoral meeting sa Malacanang ngayong araw.

Inatasan din ng Pangulo ang concerned government agencies na iprayoridad ang naturang konstruksiyon para mapataas ang kapasidad at matulungang maging matatag ang mga mangingisda sa pagharap ng mga kakaharapig hamon.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na inuri bilang traditional landing ports sa bansa.

Ang hakbang na ito ay layuning mapababa ang post-harvest losses o pagkalugi sa pamamagitan ng pagtatayo din ng mga cold storage facilities sa mga fish ports sa buong bansa.

Kaakibat nito, inatasan din ang mga ahensiya na magbigay ng ice-making machines at masinsinang pagsasabay para sa mga maliliit na mangingisda at magpamahagi ng equipment.

Iniulat naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ilan sa mga kinakaharap na hamon ng mga mangingisda ay ang pagkunti ng nahuhuling isda, mataas na poverty incidence at post harvest losses na kasalukuyang nasa 25 hanggang 40%.

Ilan naman sa iprinisentang stratehiya ng Pangulo para mapataas ang produksiyon ng isda ay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng aquaculture ng 10% kada taon sa loob ng anim na taon para maka-ambag sa seguridad ng pagkain sa bansa.