-- Advertisements --
image 556

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Court of Appeals (CA) Associate Justice Monina Arevalo-Zenarosa bilang commissioner ng Commission on Human Rights (CHR).

Nanumpa si Zenarosa kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), magiging responsableng CHR Commissioner si Zenarosa sa pagpapatupad ng mga karapatan ng mga Pilipino lalo sa mga marginalize base na rin sa kaniyang malawak na karanasan sa larangan ng batas at pangangalaga sa karapatang pantao.

Una rito, nagsilbi si Zenarosa sa Quezon City regional trial court bago ito maitalaga sa Court of Appels noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Naitalaga din ito bilang head ng komisyon na naglalayong mabuwag ang private armies matapos ang madugong Maguindanao massacre noong 2009.