-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Kasabay ng panawagan na ipagpatuloy ang kanilang pagkilos, ay ang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa papel ng Federation of Free Farmers sa social justice.

Ayon kay Leonardo Montemayor, Chairman ng naturang samahan, ito ang naging mensahe ng Punong Ehekutibo sa kanyang pagdalo sa anibersaryo ng kanilang organisasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito bilang pambansang samahan ng mga magsasaka, ay natalakay nila ang kasaysayan ng pagkakabuo ng kanilang samahan at gayon na rin ang kanilang adbokasiya sa reporma ng lupa.

Kaugnay nito ay kanila naman aniyang ikinatuwa ang pagpapahalaga ni Pangulong Marcos sa agrikultura at magsasaka sa kanyang administrasyon at gayon na rin ang pagpapalakas ng lokal na produksyon upang hindi na umasa pa ang bansa sa importasyon.

Maliban pa rito ay tinayak din umano ng pangulo ang patuloy na pakikipagugnayan ng pamahalaan sa kanilang grupo upang magsilbing daan sa sektor ng pagsasaka at mamamayan.