-- Advertisements --
sim card

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay humihikayat sa lahat ng mga cellphone subscribers na iparehistro ang kanilang SIM card ngayong umpisa na ng Subscriber Identity Module (SIM) Card Re­gistration Act.

Sa isang pahayag ng punong ehekutibo, nagpaalala ito na mayroong hanggang anim na buwan para makatugon sa itinatakda ng batas na mai-rehistro ang SIM card ng bawat isa.

Ito aniya ang itinatakda ng batas kaya ang panawagan ng pangulo ay i-register ng bawat subscriber ang kanilang SIM sa mga official links ng telecommunication companies.

Dagdag ni pangulong Marcos na kung may reklamo o anomang katanungan, maaaring tumawag sa 1326 hotline.

Kaugnay nito ay una ng inamin ng Department of Information and Communications Technology na maaa­ring magkaroon ng ilang problema sa unang da­lawang linggo ng SIM registration bagaman at nangako ang mga telecommunications companies na patuloy nilang pagbubutihin ang kanilang mga proseso.

Ayon kay Information and Communications Undersecretary Anna Mae Lamentillo, magsisilbing test registration ang unang dalawang linggo pero valid pa rin ito kahit pa magkaroon ng kaunting aberya.