Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na aayusin ang mga problemang bumabagabag sa industriya ng asukal sa bansa.
Inamin din nito na ang nasabing suliranin ay matagal nang napababayaan.
Sinabi ni Marcos na habang maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, hindi ito nakaligtas sa mga problemang kinahaharap ng mga trade partner nito.
Binanggit niya ang pangangailangang gumawa ng ilang mga pagsasaayos at maghanap ng mga paraan upang matulungan ang mga sektor na tinamaan ng economic shocks.
Si Marcos, ang kalihim ng agrikultura, ay hindi nagbigay ng mga detalye kung paano niya iaangat ang industriya ng asukal, na nag-aambag nang humigit-kumulang P90 bilyon sa ekonomiya ng bansa bawat taon.
Tiniyak ng Pangulo ng bansa na nakatuon sila ngayon sa pagsasaayos sa mga problema ng bansa kabilang na sa sugar industry.