-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa ang pamahalaan sa posibleng epekto ng Tropical Depression Neneng, lalo na sa hilagang bahagi ng Luzon.

Kailangang bantayan nang mabuti si Neneng dahil ang mga weather disturbances na pumapasok sa bansa ay mabilis ang development.

Naalala niya na unang bahagi ng buwang ito, unang ikinategorya si Karding bilang super typhoon, na naglagay sa ilang lugar sa Luzon sa ilalim ng Signal No. 5 at nag-iiwan ng pinsala sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga at Zambales.

Samantala, sinabi ni Marcos na ang mga asset at relief goods na kailangan ay nakalagay na sa mga lugar na maaaring tamaan ni Neneng.

Tinataya nila ngayon na nasa 10,000 katao ang maaapektuhan nitong si Neneng bagay na kanilang pinaghandaan.