-- Advertisements --
image 42

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwala na ang Pilipinas, ay pinagpala sa kabila ng iba’t ibang hamon o problema na patuloy na kinakaharap hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ito ni Marcos habang pinangunahan niya ang Christmas Tree Lighting ceremony sa Kalayaan grounds.

Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo na hindi maaaring ipagdiwang ng mga Pilipino ang karaniwang Pasko dahil na rin sa Covid-19 pandemic.

Naging matagumpay rin ang kaganapan sa Christmas tree lightning ceremony, ang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Christmas season sa bansa. Gayunpaman, binanggit niya na, para sa mga Pilipino, ito ay karaniwang nagsisimula sa Setyembre, isang katulad na damdamin na ipinahayag niya noong nakilala niya ang Bise Presidente ng US na si Kamala Harris sa Malacañang noong nakaraang buwan.

Samantala, sinabi ni Marcos na ginawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na may Pasko ang mga batang Pilipino.