-- Advertisements --
image 386

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malacanang ngayong araw na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pablo Luis Azcona bilang acting administrator at chief executive ng Sugar Regulatory Administration (SRA)

Ayon sa Presidential Communications Office, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Azcona noong Abril 20, 2023.

Inihayag ng bagong talagang SRA acting chief na kaniyang ipraprayoridad ang pagbibigay bilng donasyon sa smuggled sugar sa Kadiwa stores, matulungan ang mga magsasaka ng asukal na makapaghanda para sa nakaambang El Nino phenomenon at maipaalam sa pamahalaan ang kalagayan ng industriya ng asukal sa bansa.

Matatandaan nanungkulan din si Azcona bilang board member ng SRA.

Pinalitan ni Azcona si dating SRA chief David Thaddeus Alba na nagbitiw noing Marso dahil lumalalang health condition.