-- Advertisements --

Dumating na sa Singapore si Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa.

Lulan ito ng military plane na galing sa Maldives matapos ang pagtakas sa Sri Lanka.

Ayon sa gobyerno ng Singapore na pinayagan siyang makapasok sa kanilang bansa bilang private visit.

Paglilinaw din nila na hindi siya humingi ng asylum at kung humingi man ito ay hindi nila ito pagbibigyan.

Magugunitang tumakas sa Sri Lanka si Rajapaksa ng sumiklab ang kilos protesta dahil sa paglalala ng krisis sa ekonomiya.

Tumaas ang mga presyo ng bilihin, presyo ng langis at ilang mga pangunahing bilihin.

Nagpahiwatig na rin ito ng kaniyang pormal na pagbibitiw subalit hindi pa rin niya isinumite ang kaniyang resignation letter.