-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nagpaabot na ng tulong ang pangulo ng Egypt na si Abdel Fattah El-Sisi ng tulong sa mga namatay at nasugatan sa naganap na sunog sa isang Coptic Orthodox Church.

Ayon kay Bombo International Correspondent Marie Andola mula sa nabanggit na bansa, agad naman na tumugon ang mga otoridad sa pagrescue sa mga katao na natrap sa nabanggit na insidente lalo na at napag-alaman na nasa 5,000 katao ang nasa loob ng Abu Sifin church nang mga sandaling iyon.

Aniya, karamihan umano sa mga dumadalo sa nabanggit na simbahan ay mga Egyptians.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad isa umano itong electrical fire na kumalat sa mismong entrance ng nabanggit gusali kaya naman ito ay nagdulot ng panic sa mga tao kaya nagkaroon ng stampede.

Umabot na ngayon sa 41 ang namatay habang 14 naman ang sugatan sa insidente.

Marami umano sa mga nasawi sa insidente ay nasa 18 mga bata na may edad 3 hanggang 16 taong gulang na kasama ng kanilang mga magulang sa pagsisimba.

Dagdag pa Andola, wala naman umanong mga pinoy na nadamay sa naturang pangyayari at hindi naman umano ito madalas na lugar na pinupuntahan ng mga ito.