-- Advertisements --
Pinayagan na ng Pola municipal government ang mga mangingisda na pumalaot matapos ang halos limang buwan ng magkaroon ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni Gov. Humerlito Dolor , na tinanggal na nila ang fishing ban at papayagan na ang mga water activities sa nasabing bayan.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Lumabas kasi sa isinagawang water sampling ng BFAR na ligtas na sa pangisda ang buong karagatan ng Oriental Mindoro.
Ayon naman kay Pola Mayor Jennifer Cruz na papayagan lamang muna nila ang pangingisda habang ipagbabawal muna ang mga water activities.