Ikinagalak ng business magnate na si Manny Pangilinan ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“I would like to thank the President for his remarks tonight, most especially for his sincerity and kindness,” wika ni Pangilinan.
Magugunitang sa isang bahagi ng pahayag ng chief executive kagabi ay sinabi nitong tila nabago siya dahil sa COVID-19 pandemic, kaya ibig niyang humingi ng patawad sa mga nasabi niya dating masasakit na salita laban kay Pangilinan at mga Ayala.
Tiniyak naman ng negosyante na patuloy silang tutulong sa pamahalaan, para matugunan ang problemang dala ng corona virus.
Aniya, ang kanilang nasimulang pagtulong ay ipagpapatuloy hanggang sa hinaharap.
“I wish to assure him that our Group is fully committed to being a partner of Govt in addressing the heartbreaking moments of Covid 19 on our people, in building a better tomorrow for them. We are, and have always been here, for the country,” dagdag pa ni Pangilinan.










