Reading Time: 1 minute

Iprinisinta na ng Manila Police District (MPD) kay Manila Mayor Isko Moreno ang imbestigasyon sa nangyaring panghoholdap sa sangay ng Metro Bank sa Binondo sa Maynila.

Sinabi ni MPD Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., lima ang persons of interest sa insidente at planado ang panghoholdap.

Pinakita na rin ang mukha ng ilang hindi pa kilalang suspek base sa kuha ng CCTV sa lugar bago at pagkatapos ng insidente.

Ayon kay Danao, tanging ang tatlong guwardiya na lang ng bangko ang hawak ngayon ng MPD Station 11.