Kumpiyansa si Pangulong Marcos Jr. na mababawasan na ang mga insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Itoy matapos mapagkasunduan ng dalawang lider na magkaroon ng direct communication.
Layunin ng kasunduan na maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan at miscalculation sa gitna ng maritime issues sa pagitan ng Pilipinas at China.
” Ako naman on my part, titiyakin ko yung mga nakaupo sa bilateral team natin ay may direct contac din naman sa atin para diretso, nothing will be lost in translation. Hindi magkakaproblema sa mga misinformation na maaaring mangyari kapag napakatagal bago nakapag-usap kami,” pahayag ni Pang. Bongbong Marcos.
Sa panig naman ni President Xi kaniya rin pinagtibay ang pagtatatag ng “direct communication mechanism” para maiwasan ang posibleng miscommonunication sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, naging malalim ang kanilang usapan ni President Xi sa isyu ng West Philippine Sea na kaniyang inilarawan bilang isang prangkang talakayan.
Sa nasabing pulong binigyang diin ni Pang. Marcos Jr ang posisyon ng kaniyang administrasyon hinggil sa independent foreign policy at kahandaang makipag-tulungan alang-alang sa regional peace at interes ng China at Pilipinas.
Ipinunto ng Pangulo hindi dapat ma-kompromiso ng maritime issues ang relasyon ng Pilipinas at ng China subalit itinuturing itong significant concern at priority.