-- Advertisements --

Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Pangasinan Polytechnic College.

Kasabay ng naturang programa ay pormal na paglagda sa kasunduan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, kasama ang pamunuan ng PPC sa isang partnership sa pagitan ng Colleges & Institutes Canada

Nanguna sa programa si Pangasinan Governor Ramon Guico III at iba pang mga kilalang opisyal at individual.

Sa naging mensahe ng gobernador, nagpaabot ito ng pasasalamat sa naging bahagi ng pagtatag ng PPC at maging ang hanay ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Mark Lambino.

Sa naging pahayag naman ni Raymundo Rovillos, Interim President PPC, binigyang diin nito ang mahalagang layunin ng pagtatag ng PPC.

Kabilang na rito ang pagpapataas sa bilang ng mga indigent Pangasinense na mabigyan ng mas mataas na edukasyon.

Kasama sa mga major institutional programs ng PPC ay ang Center for Lifelong Learning.

Dito ay nag aalok ng mga TESDA accredited course, micro credentials at iba pa.

Aabot naman sa 100 na anak ng mga 4ps beneficiaries ang unang mag-aaral sa bagong bukas na paaralan.

Ito ay magsisimula sa huling linggo ng buwan ng Marso o unang linggo ng buwan ng Abril.

Sinabi naman ng Provincial Government,na ang naturang kasunduan ay magbibigay naman ng oportunidad sa PPC at PGP. (With reports from Bombo Victor Llantino)