Pinakakalma ng National Economic Development Authority (NEDA) ang sektor ng agrikultura kaugnay ng pag ratify ng Pilipinas sa regional comprehensive economic partnership (RCEP).
Umaalma kasi ang ilang grupo ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura laban sa RCEP sa paniniwalang hindi naman sila makikinabang dito sa halip ay baka lalo lamang umanong matabunan ng mga imported na produkto ang kanilang mga lokal na suplay.
Sinabi ni NEDA Director General Arsenio Balisacan hindi ito totoo dahil may rcep man o wala, kailangan naman talagang suportahan at mamuhunan ang pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Giit ni Balisacan tutugunan ng rcep ang matagal nang isyu ng productivity sa sektor ng agrikultura.
Kung anuman aniya ang kinakaharap na problema ngayon ng sektor ng agrikultura, wala itong kinalaman sa rcep bagkus ay bunga ito ng pagpapabaya sa nasabing sektor sa mga nagdaang panahon.
Iginiit ni balisacan na kailangang maratipikan ang rcep dahil nakadepende ang kinabukasan ng bansa sa abilidad ng pamahalaan na makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, dahil hindi sapat ang ating domestic capital.
Paliwanag ni balisacan, kapag naratipikana ang rcep malaki ang maitutulong nito para maging competetive at productive ang sektor ng agrkultura.
Kapag nasali na aniya ang pilipinas sa iba pang mga bansang nauna nang nag ratify ng rcep, mistula na aniya nating sinasabi sa buong mundo na handa na talaga ang pilipinas sa negosyo, mayroon tayong maayos na mga patakarang pang negosyo at ligtas ang negosyo nila sa ating bansa.
Ang rcep ay isang free trade agreement sa pagitan ng ten member states ng association of southeast asian nations at ng 5 fta partners nito na australia, china, japan, new zealand at republic of korea.
-- Advertisements --