-- Advertisements --

Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko hinggil sa magkakasunod na lindol na naaitala ngayong araw sa Mindanao.
Una rito ang 4.2 magnitude sa Hinatuan, Surigao Del Sur.
Kung saan may lalim lamang itong dalawang kilometro at naramdaman hanggang sa Bislig City, Surigao Del Sur.
Maliban dito, naranasan naman ang 4.8 magnitude na lindol kaninang madaling araw.
May lalim itong isang kilometro lamang at naramdaman Davao Oriental, Davao de Oro at Surigao del Sur.
Natukoy ang mga ito na kapwa tectonic quake o resulta ng paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa.
May mahihinang pagyanig din na bukod na na-monitor sa ilang lugar sa Mindanao.
Wala namang tsunami alert para sa mga pagyanig na ito dahil hindi sapat makalikha ng malalaking alon sa karagatan.
Sa pagsusuri ng Phivolcs, lumalabas na ang naunang pagyanig ay bahagi pa rin ng aftershocks ng 7.4 magnitude na lindol noong Disyembre ng taong 2023.