-- Advertisements --

Inilabas na ng US Defense Department ang pangalan ng tatlong sundalong nasawi dahil sa pagtama ng drone ng Iran-backed militias sa Jordan.

Kinilala ang mga ito na sina : Sgt. William Rivers, 46-anyos ng Carrollton, Georgia, Specialist Kennedy Sanders, 24-anyos ng Waycross, Georgia at
Specialist Breonna Moffett, 23-anyos ng Savannah, Georgia.

Nakatalaga ang mga ito sa 718th Engineer Company isang US Army Reserve unit na nakabase sa Fort Moore, Georgia.

Sinabi ni Pentagon Deputy Press Secretary Sabrina Singh, na sa nasabing atake rin ay mayoong mahigit 40 na sundalo ng US an nasugatan.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima at patuloy na nagpapagaling.