-- Advertisements --

Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa paggamit ng cyanide ng mga banyagang mangingisda sa may bahagi ng Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Aminado ang Presidente na matagal na niyang alam na gumagamit nito batay na rin sa ulat na ipinarating sa kaniya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).  

Inihayag ng Pangulo na ang nakaka-alarma dito ay nagiging talamak na ang paggmit ng cyanide.

Siniguro nito na sa sandaling mapatunayan na may sapat na ebidensiya hindi na magpa tumpik-tumpik ang gobyerno ng Pilipinas na magsampa ng kaso laban sa mga ito.

Nakatanggap kasi ng reklamo ang BFAR mula sa mga mangingisda sa Zambales na gumagamit ng cyanide ang mga Tsinong mangingisda at Vietnamese na siyang dahilan na nasisira ang mga coral sa paligid ng lagoon.

Inatasan naman ng National Security Council ang BFAR na kumpletuhin ang kanilang imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu ng sa gayon gagamitin bilang ebidensiya sa paghahain ng kaso.