-- Advertisements --
Nag-inhibit na naman ang ika-limang huwes na humawak sa kaso ni Sen. Leila de Lima.
Si Judge Leizel Aquiatan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ay dati nang naglabas ng desisyon na nagbabasura sa isa sa mga drug related cases ng senadora.
Naniniwala si Judge Aquitan na makakaapekto sa pagtingin ng mga partido sa kaso, kung siya pa rin ang magpapasya sa ilang usaping kinakaharap ng mambabatas.
Bago ito, ilang huwes na rin ang bumitaw sa paghawak ng De Lima cases, na naging dahilan ng pagka-delay ng court proceedings.
Ang senadora ay nahaharap sa patung-patong na drug related cases, na nag-ugat sa pagkalat ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP), noong siya pa ang kalihim ng department of Justice (DoJ).