Posibleng nakaapekto ang COVID-19 pandemic response ng national government sa pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo at Hunyo 2021, ayon kay Vice President Leni Robredo.
Base sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, bumaba ang satisfaction rating ni Duterte sa 75 percent noong Mayo at Hunyo 2021 mula sa 84 percent na nakuha nito noong Nobyembre 2020, ang pinakamataas niyang rating mula nang mahalal sa puwesto noong 2016.
Binigyan diin ni Robredo na ang mga Pilipino ay may karapatang mag-demand ng malaki mula sa pamahalaan bilang sila ay nagbabayad din ng buwis.
“Kasi kung palpak na palpak na, ayaw lang natin buksan mga mata natin. Sino ba lugi? Tayo din,” dagdag pa ni Robredo.
Samantala, magugunitang tanggap rin naman ng Malacanang ang pagbaba ng satisfaction rating ni Duterte.
Pero nanindigan sila na ang rating na ito ni Duterte ay mas mataas pa rin naman kung ikukumpara sa mga nakalipas na pangulo.