-- Advertisements --
Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines na hindi muli magiging stable ang kuryente sa Panay Island dahil sa manual loading dropping.
Maaaring maapektuhan ang lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo kabilang na ang Iloilo City.
Ayon sa NGCP, under preventive maintenance umano ang Unit 1 ng coal-fired power plant ng Panay Energy Development Corporation simula February 1 hanggang February 17.
Dagdag pa nito, mayroong unresolved issues sa pagitan ng ahensya at ng Palm Concepcion Power Corporation sa northern Iloilo.