-- Advertisements --
image 174

Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panawagan ng mga mambabatas na i-regulate ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga workplace.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma na mayroong pangangailangan para sa regulasyon ng artificial intelligence dahil kapag ang isang bagay ay artificial may panganib at mayroong mga bagay na kailangang resolbahin.

Ang pahayag ng kalihim ay tugon sa panawagan mula sa ilang mambabatas na i-regilate ang AI na anila’y nagiging banta sa hanapbuhay ng mga Pilipinong nagtratrabaho sa business process outsourcing (BPO) at manufacturing.

Iginiit naman ng Labor chief na hindi nito hahayaang maisakripisyo ang mga manggagawa o maantala ang business operations dahil sa mga pagbabagong ito sa workplace.

Bagamat inamin nito na maaaring humantong sa displacement ng mga manggagawa ang paggamit ng AI parikular na sa mga employed sa mga kompaniya na nakadepende sa bagong teknolohiya gaya ng manufacturing at automation, binigyang diin ng labor chief na hindi ganap na mapapalitan ng AI ang human resource.

Sa ngayon, pinag-aaralan aniya ng DOLE ang AI bilang bahagi ng overall govenment efforts sa pagtugon ng posibleng displacement ng mga manggagawa dahil sa AI.