CENTRAL MINDANAO-Hinangaan at umani ng papuri sa taumbayan ang isang Alkalde sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang nanawagan si Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Ohto Montawal sa mga Senior Citizen na magpabakuna dahil may libre pang food packs at meals pa.

Umani ng positibong reaksyon sa taumbayan ang panawagan ni Mayor Montawal kaya maraming mga senior citizen ang nagpabakuna.

Ang tagumpay ng Alkalde ay dahil na rin sa tulong ng kanyang maybahay na si Bai Kristel Montawal, mga SB Members sa pangunguna ni Vice-Mayor Datu Vicman Montawal, Barangay Officials,LGU at mga ahensya ng gobyerno.

Unang nagpabakuna si Mayor Montawal at sinundan ng kanyang mga kasamahang opisyal at mga empleyado ng Datu Montawal .

Hindi nakalalimutan ng mamamayan ang kabutihang loob ng Alkalde kasama ang kanyang pamilya dahil halos sa tuwing may aktibidad at mga programa sa kanilang Bayan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya at mga pagpapala at dahil dito mas lalo siyang minahal ng kanyang mga kababayan.