Hindi pinagbigyan ng UN Security Council ang hiling ng Estados Unidos na muling ibalik ang parusang ipinataw ng United Nations laban sa Iran.
Ayon sa pinuno ng UNSC, kulang umano sila ng consensus hinggil sa naturang usapin.
Noong nakaraang linggo nang ipaalam ng US government sa Indonesia ang binabalak nitong proseso para muling patawan ng paursa ang Iran.
Ito’y dahil di-umano’y lumalabag ang nasabing bansa sa 2015 nuclear deal.
Karamihan sa miyembro ng naturang council ang gumawa ng sulat kung saan inilahad ng mga ito ang kanilang pagtutol sa nais ng Amerika. Wala na raw kasing karapatan ang nasabing bansa simula noong kumalas ito sa nuclear agreement noong 2018.
Bago ito ay hiningi na ng China at Russia ang pananaw ni council president Dian Triansyah Djani tungkol sa assertion ng Amerika sa pamamagitan ng isang virtual meeting.
Naging matigas naman si US Ambassador to the UN Kelly Craft na itutuloy pa rin nila ang baging sanction laban sa Iran.
“The Trump administration has no fear in standing in limited company on this matter,” ani Craft.