-- Advertisements --

Nagsilbing pa-birthday ng Los Angeles Lakers kay LeBron James ang kanilang panalo laban sa San Antonio Spurs, 121-107.

Ito na ang ikatlong panalo ng Lakers sa limang games.

Muling nanguna si James sa pamamagitan ng kanyang 26 points kabilang na ang dalawang mahahalagang puntos upang ipalasap sa Spurs ang ikalawang pagkatalo.

Nagkataon din naman na ngayong araw ang ika-36 na kaarawan ng 4-time MVP.

Eksakto rin naman na ang laro ni LeBron kanina ay kanyang ika-1,000 consecutive games.

Samantala tumulong din sa kanyang mga big shots ang big man ng Lakers na si Anthony Davis na nag-ambag ng 12 points.

Sa panig ng Spurs ang point guard na si Dejounte Murray ang pumuntos na may kabuuang 29 at tig-pitong rebounds at assists.

Muling magtutuos bukas ang dalawang teams bilang bahagi ng NBA new years game.