-- Advertisements --
Mutya Phl 2020

Tulad sa mga nauna nang nakanselang beauty pageant, ikinokonsidera na rin ng Mutya Pilipinas na magsagawa na lamang ng virtual coronation ngayong taon.

Sa isang panayam, inihayag ng Mutya Pilipinas head na si Cory Quirino na isinasapinal pa nila ang magiging desisyon at posibleng sa susunod na linggo magkakaroon ng formal announcements.

Dedepende aniya ang setup ng 52nd edition ng Mutya Pilipinas sa magiging sitwasyon ng bansa habang naka-general community quarantine sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ang reigning Mutya queens ay sina Klyza Castro, naging kinatawan ng bansa Miss Asia Pacific 2019; Cyrille Payumo, Mutya runner-up na nanalong Miss Tourism International; at April Short na napabilang sa World Top Model pageant.

Ang Mutya Pilipinas ay dating Mutya ng Pilipinas.

Samantala, tiniyak ng Miss Asia Pacific International 2020 na magpapatuloy ang kanilang advocacy kahit naka-indefinite suspension ang pagputong nila ng korona ngayong taon.

Ang Miss Asia Pacific International ang “highest title crown” na ipinapadala ng Mutya Pilipinas sa ilalim ni Cory Quirino.