-- Advertisements --
BOC BUILDING

Inanunsyo ng Bureau of Customs na nagsagawa sila ng full inspection sa lahat ng kanilang condemnation facilities sa buong bansa.

Dito sinisira at dinidispose ang mga nakumpiska at inabandunang mga kalakal mula sa iba’t-ibang operasyon na ikinakasa ng ahensya.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs na matagumpay nilang nasuri ang 38 facilities o kabuuan ng BOC-accredited condemnation facilities sa buong bansa.

Ang naturang inspection ay ipinag-utos mismo ni BOC Deputy Commissioner Vener Baquiran upang masiguro ang intergradad at tamang pagsunod ng mga condemnation facilities.

Ayon kay Baquiran, ang mga pasilidad na ito mahalaga upang mapanatili ang transparency at accountability ng kanilang mga operasyon.

Ito ay alinsunod na rin sa inisyu na Customs Memorandum Order (CMO) No. 07-2023.

Ito ay pagpapakita rin ng ahensya ng pinakamataas na pamantayan sa lahat ng kanilang mga operasyon at upang matiyak ang tiwala ng publiko sa BOC.

Kung maaalala, noong July , naka kolekta ang ahensya ng P50.072 billion kita , mas mataas ng 5% sa orihinal na target revenue na P47.674 billion.