Iniulat ng Philippine Board of Investments (BOI) ang labis na pagtaas ng mga investment sa buong Pilipinas.
Ayon sa BOI, umabot sa 203% ang inilago ng pamumuhunan sa bansa sa unang bahagi ng taon, kumpara nitong nakalipas na taon, sa kaparehong panahon.
Kinabibilangan ito ng 155 proyekto na pinondohan ng P698Billion na halaga ng investment. Habang nasa P230Billion lamang ang halaga ng investment noong nakalipas na taon.
Sa naitalang mga investment ngayong 2023, 60% dito ay mga galing sa ibang bansa o foreign investment. Ito ay katumbas ng P423 billion.
Ang nalalabing P275billion naman ay pawang lokal na pamumuhunan, o domestic investment.
Batay sa listahan ng BOI, karamihan sa mga pamumuhunan mula sa ibang bansa ay nanggaling sa Germany (P393 billion); sumunod ang Singapore (P16.8 billion), at pangatlo ang the Netherlands (P3.57 billion);
Mataas din ang nai-ambag ng France (P2.04 billion) at US na may kabuuang P1.9 billion na halaga ng investment.