Pinaghahandaan na ngayon ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) ang pagrollout ng mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019(COVID-19).
Ito’y matapos napili ng national government ang nasabing pagamutan na unang COVID vaccination center sa Central Visayas.
Sa statement na inilabas ng pagamutan kahapon,isagawa ang simulation exercises kaugnay sa pamamahagi ng bakuna habang sa darating na Pebrero 11 naman isagawa ang “overall simulation”.
Nauna nang inihayag ng Department of Health-7 (DOH-7) na unang makakatanggap ng bakuna dito sa Cebu ang mahigit 2,000 mga healthcare workers ng nasabing ospital.
Samantala, pinangalanan ngayon ni Cebu City Mayor Edgardo Labella si Vice Mayor Mike Rama bilang vaccine czar.
Si Rama ang naatasang mangangasiwa sa pagrollout ng COVID-19 vaccines kung saan nakatakda namang magsisimula ang initial rollout ngayong Pebrero 15.