Nakipag pulong si Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa regional officials ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan tinalakay ang mga gagawing hakbang para maiwasan ang landslides sa mga komunidad na nakapaligid sa Mount Arayat sa bayan ng Arayat sa Pampanga.
Ang pulong ay kasunod sa iniwang pinsala ng Bagyong Paeng sa probinsiya ng Pampanga at paghahanda na rin sa pag landfall ng tropical depression ” Queenie”.
Ayon sa mambabatas, inireklamo ng mga residente ng Barangay San Juan Bano kaugnay sa landslide at mga debris mula sa Mount Arayat sa tuwing may bagyo at malakas na ulan.
Umapela naman si Gonzales sa pamahalaang lokal at provincial government ng Pampanga na tulungan ang DPWH at DENR para maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Iminungkahi naman ng DPWH na mag install ng debris flow barrier sa may bahagi ng Sapang Maeyagas creek.
Inirekumenda din ang pag-construct ng slope protection structures, delineation, at iwasan na rin ang mga risk areas.