PMA CADET
Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

CAGAYAN DE ORO CITY – Maghahain ng kaso ang pamilya at kaanak ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio laban sa ilang mga opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Ito ay matapos nabigong mapigilan daw ng PMA ang hazing kung saan ikinasawi ito ni Dormitorio habang sumailalim sa pagsasanay bilang sundalo noong nakaraang linggo.

Inihayag sa Bombo Radyo ng tiyahin ni Darwin na si Michelle Usman na hinihintay na lamang nila ang resulta sa ginawa na imbestigasyon ng PNP upang magsagawa ng sariling hakbang para makamtan ang hustisya sa pangyayari.

Kung maalala, unang ipinalabas ng doktor na sumuri kay Dormitorio na namatay ito dahil sa urinary tract infection subalit ang labis na pagkabugbog pala ang pinakasanhi ng malagim na pangyayari.

Si Dormitorio ay kasalukuyang nakaburol sa isang punerarya sa Cagayan de Oro City kung saan bumuhos ang maraming kaanak, kaklase at mga kaibigan na ang ilan ay nagmula pa sa Bukidnon.