NAGA CITY – Patuloy na bumubuhos ang mga tagasuporta at malalapit na kaibigan ng pamilya Robredo sa burol ng namayapang ina ni ni Vice President Leni Robredo.
Nabatid na kahapon ang unang araw ng burol ng dating Dean na si Salvacion “Sally”Gerona sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road Naga City.
Kaagad itong binuksan sa publiko ngunit limitado lamang sa media dahil hindi muna pinahintulutan na kumuha ng mga larawan sa loob ng chapel.
Tiniyak naman ng pamilya Robredo na isusunod na lamang ang ilang pang detalye hanggang sa libing.
Samantala, umapela ng panalangin si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabby Bordado para sa namayapang ina ng Bise Presidente.
Ipinaabot na rin ni Bordado ang kaniyang pakikiramay sa pamilya ngi Leni maging ng iba pang opisyal sa lungsod.
Una rito, ayon kay Bordado ay nasa Maynila siya nang matanggap ang malungkot na balita.
Una nang na-confine sa Mother Seton Hospital sa Naga City si Gerona dahil sa iniindang sakit na iniwasang isapubliko ng pamilya Robredo.
Si Gerona ay asawa ng dating Regional Trial Court Judge na si Antonio Gerona.
Naging Dean ito ng College of Education at Gradute school hanggang sa naging Vice President for Academics ng Universidad De Sta. Isabel, Naga City.