Isa pang dating kaalyado ni Vice President Leni Robredo ang lumipad at ngayon ay sumusuporta kay presindetial frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang pamilya Petilla ng Leyte na pinamumunuan ni Carlos Jericho Petilla, miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno Aquino III, ay nangakong susuportahan si Marcos sa halip na si Robredo na kanilang sinuportahan noong 2016 elections.
Ang dating Energy secretary, na tumatakbo ngayon kapalit ng kanyang nakababatang kapatid na si Leopoldo Dominico bilang gobernador ng Leyte, ay nagsabing nagpasya silang suportahan ngayon si Maroc upang magkaroon ng pangulo ang bansa na mula sa kanilang lalawigan.
Ang ina ni Marcos na si dating fist lady Imelda Romualdez-Marcos ay tubong Tolosa, Leyte.
“Number one here really is that he’s (Marcos) from Leyte. I’m running for governor and I’m really looking at what is advantageous for Leyte. From the immediate past, we haven’t anybody from Leyte (sit as president) and this is our time,” ayon sa nakatatandang Petilla.
Ipinaliwanag ni Petilla na tumakbong senador sa ilalim ng Liberal Party noong 2016, na kaya nila sinuportahan noon ang vice presidential bid ni Robredo ay dahil hiningi nito ang suporta ng kanilang pamilya.
Ang mga Petilla, sina Jericho at Dominico na nagsilbi ng tatlong magkakasunod na termino bilang gobernador ay ikiku-konsidera bilang pinakamalakas na political family sa Leyte na may voting population na 1.3 million.
Nangako ang mga Petilla na ide-deliver ang 70 percent ng boto ng Leyte kay Marcos na nanguna sa three-stop campaign sortie sa lalawigan, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Baybay, Ormoc at Tacloban, na mayroong mahigit 900,000 votes.
Samantala, sa Ormoc City, pinangunahan ng mag asawang Mayor Richard Gomez at Rep. Lucy Torres ang iba pang opisyal ng ika-apat na distrito ng Leyte ang pagsama sa BBM-Sara bandwagon sa Eastern Visayas.
“Here is a man who is a poster boy for unity. He offers unity, healing and moving forward,” pagpapakilala ni Torres kay Marcos sa harap ng libo-libong taong nagtipon-tipon sa Ormoc City Plaza.
Tiniyak din ni Southern Leyte Gov. Damian Mercado ang suporta ng lalawigan kay Marcos.
Pinangunahan ni Mercado ang paglagda sa “Statement of Support” kasama ang iba pang local na opisyal para pormal na iendorso ang BBM-Sara UniTeam.
Kabilang sa mga lumagda sina Vice Gov. Christopher Yap, na tumatakbo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan, at Maasin City Mayor Nacional Mercado.