nesthy petecio
Nesthy Petecio

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng pamilya ni Nesthy Petecio, pambato ng Pilipinas para sa featherweight division sa boxing competition sa nagpapatuloy ngayon na SEAGames 2019 dahil nakapasok ito sa championship round.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Davao sa ina ni Nesthy na si Prescilla Petecio, labis ang pasasalamat ng kanilang pamilya at proud na proud ito sa kanyang anak lalo na at namamayagpag ito sa napiling sports.

Bilang ina na sumusuporta sa kanyang anak, taimtim ang pagdarasal nito na bigyan si Nesthy ng tibay at lakas upang makamit nito ang gintong medalya para sa bansang Pilipinas.

Si Nesthy ay tubong Tuban, Sta. Cruz, Davao del Sur. Kung maalala, unang nakilala si Nesthy ng nagtagumpay itong makuha ang gold medal sa 2019 AIBA Women’s Boxing World Championships.