Humihingi ng privacy ang pamilya ni Mico Palanca kaugnay sa biglaang pagpanaw nito sa edad na 41.

Ayon umano sa statement ng pamilya ni Mico, labis pa silang nagdadalamhati pero nagpapasalamat sa lahat ng mga nagpapaabot ng pakikiramay.

“We are extremely saddened by the sudden passing of our beloved brother, Miko Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today,” saad daw ng pamilya sa pep.

“As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time. Again, we appreciate all the love and support – thank you so much.”

Sinasabing ang statement ay inilabas ng ina ng aktor at celebrity sibling na si Bernard.

Sa ngayon ay hindi pa binabanggit ang dahilan ng pagkamatay ni Mico pero may mga impormasyon na tumalon daw ito mula sa rooftop ng isang mall sa San Juan City nitong weekend.