Maliban sa panalangin, humihingi rin muna ng privacy ang pamilya ni Eddie Garcia sa gitna ng kritikal pa ring kondisyon ng multi-awarded actor.

Ayon sa writer-director na si Bibeth Orteza, mahimbing lamang na natulog buong araw kahapon ang kaibigan nitong si Manoy at hindi pa nakakausap.

Una nang nilinaw ng family doctor ng 90-year-old veteran actor na severe cervical fracture ang dinanas ni Eddie at hindi heart attack sa kasagsagan ng taping sa Tondo, Maynila.

Inalis na rin aniya ang aneurysm at heatstroke sa dahilan ng biglang pagkawala ng malay ni Garcia.

“Noong dinalaw ko siya kahapon, he was still in deep sleep and nilalagyan siya ng traction para mabawasan ‘yung pressure. He was in deep sleep kahapon so hindi siya nakakausap,” ani Orteza.