Naghain ng complaint ang pamilya ng isa sa mga nawawalang sabungero sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga nasa likod ng pagdukot na isang farm manager at security guard sa Manila Arena.
Paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o kidnapping at serious illegal detention ang isinampang reklamo ng mga complainants na sina Ma. Conception Bautista at Ryan Bonda Bautista na pamilya ng nawawalang sabungero na si Micahel Bautista.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng pagtukoy ng asawa at kapatid ni Bautista na siya nga ang indibidwal na nakuhanan sa video na pinusasan ng dalawang pulis sa labas ng sabungan sa may Santa Cruz, Laguna.
Una ng naglabas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng composite sketch ng dalawang suspek kasunod ng pagsisiwalat sa naturang video.
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng dalawang suspek kung saan nahaharap din ang mga ito sa kasong pandurukot at serious illegal detention na inihain ng Philippine National Police at CIDG.
Magugunita, una ng iniulat ng PNP ang misteryosong pagkawala ng mga sabungero matapos makilahok ang mga ito sa isang cockfight sa Sta. Cruz noong Enero 13.