-- Advertisements --

Makatatanggap ng psychosocial services mula sa Department of Migrant Workers ang pamilya ng mga Filipino seafarers na kabilang sa mga biktima ng pag-atake ng Houthi Rebels.

Dalawang Pinoy ang namatay at tatlo naman ang sugatan matapos atakihin ng missile ang sinasakyan nilang barko na MV True Confidence.

Ayon kay DMW Usec. Bernard Olalia, isa raw sa mga prayoridad na tulong na ibibigay nila ay psychosocial services para sa mga kaanak ng Filipino seafarers dahil matinding hilahil umano ang kanilang pinagdaraanan bunsod ng nangyari sa kanilang mahal sa buhay. 

Bukod sa psychosocial services, nauna ng naiulat na makatatanggap ang mga ito ng cash assistance mula sa Department of Migrant Workers at Department of Social Welfare and Development.